Lalaki, arestado sa Cotabato City matapos makumpiska ng otoridad ang baril at mga bala sa ipinatupad na Search Warrant sa pamamahay nito
- Teddy Borja
- Feb 6
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 46-anyos na lalaki sa Cotabato City matapos makumpiska ng otoridad ang baril at mga bala sa ipinatupad na search warrant sa pamamahay nito.
Isinagawa ang implementasyon ng Search Warrant, alas 2:30 ng hapon, araw ng Miyerkules, February 5 sa Bliss, Notre Dame Village,Rosary Heights 8.
Ang Search Warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng Branch 21, 10th Judicial Region, Kapatagan, Lanao Del Norte na may petsa na February 3, 2025
Nakumpiska sa loob ng pamamahay ng suspek ang isang Caliber Colt 45 pistol, magazine, mga bala, heat sealed transparent plastic sachet naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at isang Improvised Lighter.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 at RA 9165.
Comments