Lalaki, binaril at napatay habang naka upo sa tapat ng kanilang bahay sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Feb 11
- 1 min read
iMINDSPH
PHOTO: KAD SIPAT

Binaril at napatay ang isang lalaki habang naka upo lamang sa tapat ng kanilang bahay sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Samier Dimapalaon, 44 years old at residente ng Barangay Ramcor, General Salipada K. Pendatun.
Binaril ang biktima alas 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes, February 10 habang naka upo sa tapat ng kanilang bahay sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng General Salipada K. Pendatun Municipal Police, hindi pa tukoy ang baril na ginamit ng mga suspek na agad tumakas matapos isagawa ang krimen.
Pinaniniwalaang personal grudge ang motibo sa pamamaril.
Comments