Lalaki, binaril habang naka upo sa sari-sari store sa Buluan, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Jan 29
- 1 min read
iMINDSPH

Ang biktima ay kinilala na si Esmael Uyag, residente ng Barangay Poblacion, Mangudadatu.

Nakaupo ang biktima sa isang sari-sari store nang barilin ng hindi pa kilalang salarin.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima pero dineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.
Lahat ng mga narekober na ebidesiya mula sa crime of incident ay nasa kustodiya na ng Buluan Municipal Police Station na nakatakdang isumite sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Wala pang pagkakakilanlan ang otoridad sa salarin at blanko pa rin sa motibo sa krimen.
Comments