P19M halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad sa operasyon sa Digos City; 6 na indibidbwal, arestado!
- Teddy Borja
- 35 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Anim na indibidwal na sangkot sa pagbabenta at pangangalaga ng mga ipinuslit na sigarilyo ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng
Digos City Police Station at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao del Sur Provincial Field Unit (DSPFU)
Isinagawa ang operasyon alas 4:30 ng hapon, araw ng Linggo, May 4.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Anda,” alyas “Sam,” alyas “Amir,” alyas “Nad,” alyas “Mar,” at alyas “Jake.”
Nasamsam ng otoridad sa operasyon ang 956 master cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng Php 19,120, 000.00
Ang operasyon ay bahagi ng flagship Project Plan Mega Shopper ng CIDG.
Comments