top of page

Lalaki, huli sa drug buy-bust operation sa Midsayap, Cotabato Province

  • Teddy Borja
  • Jan 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Huli sa drug Buy-Bust operation ang isang tulak ng iligal na droga, a-7 ng Enero.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Ading” residente ng Poblacion 1, Midsayap.


Nakuha mula sa suspek ang dalawang piraso ng plastic, isang libong piso na buy-bust money at mga drug paraphernalia.


Kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Article RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inihain ng otoridad sa Provincial Prosecutor Office.


Nasa kustodiya ng Midsayap Municipal Police station ang suspek.


Ang operasyon ay pinamunuan ni PLtCol Realan Mamon.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page