top of page

LALAKI, NATAGPUAN NA WALA NG BUHAY SA TABI NG DAAN SA BULUAN, MAGUINDANAO DEL SUR AT PINANINIWALAANG NA “HEAT STROKE”

  • Teddy Borja
  • Nov 22, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Itinawag sa himpilan ng Buluan Police ang natagpuang lalaki na wala ng buhay sa tabi ng daan sa Poblacion ng bayan alas 10 ng umaga, araw ng Huwebes.


Sa mga kuhang larawan, nakatagilid ang lalaki sa lupa at sa tabi naman ito ang nakaparada na motorsiklo na pag-aari ng biktima.


Pinaniniwalaang na heat stroke ang biktima.


Ayon sa Buluan MPS, kinilala ang lalaki na si Abdullah Masukat. Sa kanilang nakalap na impormasyon, galing ng Barangay Angkamayat sa Sultan Sa Barongis ang lalaki.


Dagdag ng otoridad dinala pa sa Buluan District Hospital si Masukat. Hindi pa tukoy ng otoridad kung ano ang ikinamatay ng biktima.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page