Lalaki sa Cagayan de Oro City, arestado matapos ireklamo ng “sextortion” ng kanyang girlfriend!
- Teddy Borja
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Huli sa entrapment operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit 10 ang isang kinilala sa alyas na “Jose” matapos itong ireklamo ng sextortion ng kanyang girlfriend.
Nahaharap si alyas “Jose” sa kasong paglabag sa RA No. 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act, RA 11313 o ang Safe Spaces Act, RA No. 9262 o Violence Against Women and Children Act at Article 282 o Grave Threat ng Revised Penal Code kaugnay sa Section 6 ng RA No. 10175 o Cybercrime Prevention Act.
Paalala ni Brigadier General Bernard Yang, Acting Director ng PNP Anti-Cybercrime Group na mag ingat sa pagsi-share ng personal images o information online at agad ireport ang anumang pagbabanta at blackmail na natatanggap.
Kommentarer