Lalaki sa Datu Piang, Maguindanao del Sur timbog dahil sa iligal na pagbebenta ng armas
- Teddy Borja
- 15 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR ang operasyon, a-5 ng Mayo.
Nagresulta ito sa pagkaka aresto ng suspek matapos mahuli sa akto ng otoridad ng pagbebenta ng baril at bala sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa ikinasang buy-bust operation.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act partikular ang Article V, Section 32 o Unlawful Sale of Firearms and Ammunition, gayundin ng paglabag sa COMELEC Resolution No. 11067 o ang election gun ban.
Nakuha sa suspek ang isang 5.56mm Spike’s Tactical Apopka, FL, USA rifle at Ninety-nine piraso ng P1,000 boodle money.
Comments