Lalaki sa Libungan, Cotabato Province, na suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo, arestado!
- Teddy Borja
- Feb 18
- 1 min read
iMINDSPH
Arestado ang isang lalaki na suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Libungan, Cotabato Province.
Alas 9:30 ng gabi, araw ng Sabado, February 16 nang makatanggap ng report ang Libungan Municipal Police Station hinggil sa insidente ng carnapping.
Kalaunan ay natagpuan ang sinasabing tinangay na motorsiklo sa isang masukal at madalim na lugar sa tabi ng daan.
Matapos ang isinagawang imbestigasyon, natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na residente ng Barangay Gumaga, Libungan, Cotabato Province.
Dinakip ito ng otoridad sa tulong ng SALAAM Police Advocacy Group (SPAG) at mga opisyal at tanod ng barangay, umaga ng Pebrero 17, 2025.
Sa kasalukuyan, nakapiit ang suspek sa tanggapan ng pulisya habang inihahanda pa ang mga kasong isasampa sa kanya.
Comments