Lalaki sa residente ng Molundo, Lanao del Sur na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, arestado ng otoridad matapos isilbi ang warrant of arrest
- Teddy Borja
- Apr 22
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng Lanao del Sur PNP ang isang lalaki matapos isilbi ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Ang suspek ay residente ng Molundo, Lanao del Sur
Ikinasa ang operasyon alas 3:30 ng hapon, a-17 ng Abril sa Barangay Ilian ng bayan.
Ang warrant of arrest ay isinilbi ng mga elemento ng Molundo Municipal Police sa ilalim ng Criminal Case Number 9179-2024.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 8, Marawi City.
Nasa kustodiya na ng Mulondo MPS ang suspek para sa documentation bago ito ipresenta sa korte.
Comments