top of page

Libreng dialysis sa Cotabato Sanitarium and General Hospital, bukas na sa publiko ayon sa anunsyo ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura, makipag-ugnayan lamang aniya sa kanilang opisina

iMINDSPH



Pinapaalam ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Congresswoman Bai Dimple Mastura na bukas na para sa publiko ang libreng dialysis sa Cotabato Sanitarium and General Hospital.



Ayon sa tanggapan ng kongresista, sa mga dialysis patients na hirap makakuha ng slot sa ibang osipital, makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng tulong para sa libreng dialysis.



Upang mas marami pang dialysis patients na matulungan ay magsisimula na rin ang konstruksyon ng proyektong Dialysis Center ng kongresista sa naturang ospital.



Pinangunahan ng mambabatas ang pagpapasinaya ng nasabing proyekto kasama ang Medical Chief ng nasabing ospital na si Dr. Ibrahim Pangato, Jr.



Para po sa iba pang impormasyon patungkol sa libreng dialysis, bisitahin lamang po ang tanggapan ni Congw. Bai Dimple Mastura sa Don TV Juliano Ave, Corner Espino Street, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City o di kaya’y mag-text sa hotline number (0993) 931 8824.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page