LIBRENG GAMOT, AT IBA PANG SERBISYONG MEDIKAL, HANDOG NG HEALTH ANCILLARY SERVICES NG PROJECT TABANG SA NORTHERN KABUNTALAN, MDN; 2 RESIDENTE, BINIGYAN NG WHEELCHAIRS
- Diane Hora
- Nov 27, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Handog ng Health Ancillary Services ng Project TABANG sa isinagawang medical mission sa Northern Kabuntalan ang libreng gamot at iba pang serbisyong medikal.

Benepisyaryo ng programa ang anim na raan at dalawamput limang residente ng bayan.

Isinagawa ito araw ng Martes, a-26 ng Nobyembre.

Sumailalim din ang mga residente sa libreng consultations, examinations, laboratory testing services, surgeries, at tuli operations.

Dalawang wheelchairs naman ang ipinamahagi ng Project TABANG sa 30 anyos na si Rahima Mabang at sa 25 anyos na si Alibai Kusain
Ang medical mission ay pinangunahan ni Health Ancillary Services Head Sittie Majadiyah Omar, katuwang ang LGU at RHU ng Northern Kabuntalan, at ang Regional Medical and Dental Unit of the Police Regional Office of the Bangsamoro Autonomous Region o RMDU-PROBAR.
Ang Project TABANG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.
Kommentare