Libreng serbisyong pangkalusugan, hatid muli ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa mga residente ng Pandag
- Diane Hora
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Libreng medical, dental check-up at bunot ng ngipin
Libreng gamot
Libreng Salamin sa Mata
Libreng Tsinelas
Feeding Program
At Libreng Tuli

Ito ang mga serbisyong hatid ng Medical Team ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga residente ng Pandag araw ng Lunes, January 20 na isinagawa sa Barangay Upper D'Lag.

Isa sa mga itinataguyod na programa ng provincial government sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na mailapit sa komunidad ang serbisyo ng gobyerno.

Katuwang ng gobernador sa hakbang si Pandag Mayor Mohajeran "Odjie" Balayman.

Ayon sa provincial government ang suporta at kooperasyon ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Nagpapasalamat din ang pamahalaang panlalawigan sa doktor, nars, at volunteers na walang sawang nakikiisa sa paghahatid ng serbisyo.
Kommentare