top of page

Libreng Serbisyong Pangkalusugan, hatid ng Maguindanao del Sur Provincial Government sa mga residente ng Shariff Aguak

  • Diane Hora
  • Jan 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Libreng Medical Check-Up, Libreng Dental Check-Up at Bunot ng Ngipin, Libreng Tsinelas, Libreng Gamot, Libreng Tuli, at Feeding Program.



Ito ang hatid ng pamahalaang panlalwigan ng Maguindanao del Sur sa mga residente ng Shariff Aguak, a-23 ng Enero sa tulong ng ating mga doktor, nars, volunteers, at mga sundalo.


Pinangunahan ng gobernador ng lalawigan, Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang paghahatid ng mga nabanggit na serbisyso kasama sina Board Member Kaka Jeng Ampatuan Macapendeg, Mayor Mitra Ampatuan, Vice Mayor Marop Ampatuan, iba pang opisyales ng bayan at mga kumakandidatong board members.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang suporta at pakikiisa nagbigay ng pag-asa at sigla sa mga residente sa lugar.


Hiling ng provincial government na patuloy na magtulungan para sa mas malusog at maunlad na kinabukasan.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page