top of page

Libreng serbisyong pangkalusugan, kabuhayan showcase, at legal services, hatid ng GINHAWA PROGRAM, TIYAKAP DLS at ALAGANG DOS Program sa mga pagbisita muli sa mga residente ng Barangay Bagoinged

  • Diane Hora
  • Jan 27
  • 1 min read

iMINDSPH



Binalikan muli ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang mga residente ng Barangay Bagoinged sa bayan-


Hatid muli ang libreng serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa ilalim ng GINAHAWA PROGRAM.


Sa pamamagitan ng programa, namahagi muli ng Livelihood Package na Sari-Sari Store at mga kambing.


Free Check up at free Medicines sa clinic on wheels sa mga residente sa Solid DOS Medical Outreach Program katuwang ang TIYAKAP DLS Foundation ni One Maguindanao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat at ALAGANG DOS Program ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat.


Namahagi din ng mga bisikleta para sa mga bata bukod pa ito sa daan-daang residente na nabigyan ng bigas, groceries at Vegetable Seeds.


Nagkaroon din ng Feeding Program at namahagi ng tsinelas at Loot Bags para sa mga bata.


Libre din ang aplikasyon ng mga residente ng Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.


Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na inisyatibo ng alkalde na may layuning makatulong na mabawasan ang problemang pinansyal ng mga kababayan nating walang kakayahang matingnan ng doktor at makabili ng gamot higit sa lahat ang makapanimula sa isang maliit na negosyo at halal na pagkakakitaan.


Hangad din nito na mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat.


Ang aktibidad ay naging posible sa pakikipagtulungan ng TIYAKAP DLS Foundation ng ating mahal na One Maguindanao Vice Governor Elect Bai Ainee Sinsuat.


Katuwang din sa matagumpay na programa ang BLGU-BAGOINGED sa pamumuno ni Moner Sepi Kamsa, ALAGANG DOS Foundation, Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page