top of page

Libreng Serbisyong Pangkalusugan, legal services, kabuhayan showcase handog ng GINHAWA PROGRAM, TIYAKAP DLS at ALAGANG DOS Foundation sa mga residente ng Mompong

  • Diane Hora
  • Jan 28
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa ikalawang byahe ng Solid DOS Medical Outreach Program sa Barangay Mompong, Datu Odin Sinsuat, araw ng Lunes, January 27, 2025, hatid muli ang Pangkabuhayan Package na Sari-Sari Store Starter Kit at mga inahing kambing mula sa GINHAWA PROGRAM ni Mayor Datu Lester Sinsuat at Tulong Medikal hatid ng "Mayor Lester Clinic on Wheels" na may libreng Check up and Medicines.



Bida rin kanina ang PABISIKLETA NI YORME PROGRAM para sa mga Bata.



Namahagi din ng daan-daang FOOD PACKS laman ang bigas at Groceries at Vegetable Seeds.



Nagkaroon din ng Feeding Program at namahagi ng Slippers at Loot Bags para sa mga bata.



Libreng gupit naman ang handog ng 25th Marine Company, MBLT-5. Samantala, nagkaroon din ng orentasyon ang MSWO-DOS patungkol sa VAWC o Violence Against Women and their Children's Act.


Nabigyan din ng pagkakataon ang mga kababayan natin sa Brgy. Mompong na maka-avail muli ng FREE Application ng Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.


Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na syang inisyatibo ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat. Ito ay isang konkretong hakbang para sa kapakanan ng mga residente ng Datu Odin Sinsuat.


Ang pagsusumikap at determinasyon ng administrasyon ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat ay nagpapakita ng totoong serbisyo at pagmamahal nito sa mamamayan ng Datu Odin Sinsuat.


Naisakatuparan ang matagumpay na aktibidad sa pakikipagtulungan ng TIYAKAP DLS Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, ALAGANG DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat, BLGU-MOMPONG sa pamumuno ni Chairman Joehari S. Adam, 25th Marine Company, MBLT-5, RMFB14-A at Barangay Nutrition Scholars.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page