top of page

LIBU-LIBONG RESIDENTE, INILAKAS KASUNOD NG PAGPUTOK NG BULKANG KANLAON

  • Diane Hora
  • Dec 10, 2024
  • 2 min read

iMINDSPH



Tumaas pa ang bilang ng mga indibidwal na agad na inilikas kasunod ng biglang pagputok ng Bulkang Kanlaon kahapon ng hapon. Ito ang ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.



Inatasan na ni Office of Civil Defense Chairman at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan na gawin ang kagyat na aksyon upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.



Ayon sa OCD nagtalaga na rin ng evacuation center sa mga barangay para pansamantalang tuluyan ng mga apektadong pamilya.



Kabilang na rito ang Brgy. Lag-asan sa Bago City, Brgy. Tabao sa Sagay City, Brgy. Rizal sa San Carlos City, Barrio Vista Alegre sa Bacolod City.


Gayundin sa Brgy. Hilamonan sa Kabankalan City, Brgy. Sibucao sa San Enrique, Brgy. Ill sa Himamaylan City, Brgy. Taculing sa Bacolod City. Moises Padilla, Brgy. Cubay sa La Carlota at Sitio Canlayuhan, Brgy. Gil Montilla sa Sipalay City, Negros Occidental.


Dahil dito, inatasan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang OCD Western Visayas na ibigay ang pangangailangan ng mga residente. Kabilang na rito ang pamamahagi ng face masks, food packs, at pagtatayo ng mobile kitchens


Nag-deploy na agad ng Mobile Command Center (MCC) ang DSWD Field Office 6 - Western Visayas ngayong araw sa Negros Occidental, upang makapagbigay ng agarang tulong sa mga apektadong pamilya ng pagputok ng #Kanlaon.


Ang MCC ay may satellite internet, laptops, mobile printers, portable scanner, camera, large power banks, at two 5KVA generators. Makapagbibigay at makakatulong ito sa power at internet connectivity, upang ang mga apektadong pamilya ay maka access ng updates at makipag communicate sa kanilang pamilya.


Sa gitna ng muling pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon, tiniyak ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na sapat at hindi kukulangin ang mga family food packs ng ahensya para ipamahagi sa mga apektadong pamilya sa Negros island.


Ayon sa kalihim, mayroong higit sa 1.4 million FFPs ang nakaposisyon na sa mga regional warehouses sa Regions 6, 7, at iba pang kalapit na lugar na maaaring maapektuhan ng pagputok ng bulkan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page