Local Government Units, tatanggap ng 35 percent mula sa National Tax Allocation (NTA) pagsapit ng taong 2026
- Diane Hora
- Jan 17
- 1 min read
iMINDSPH

Inihayag ni Finance Secretary Ralph G. Recto na aabot sa 35 porsiyento ang bahagi ng local government units (LGUs) mula sa National Tax Allotment (NTA) pagsapit ng 2026. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Bagamat mas mababa ito sa 40% na inutos ng Korte Suprema, ipinunto ni Recto na ito ay mas mataas kumpara sa kasalukuyang 32% na bahagi ng LGUs, ayon pa sa report.
Sinabi ng kalihim sa report na ang karagdagang bahagi ay resulta ng limang taong iskedyul ng earmarking provision na naglalayong dahan-dahang itaas ang bahagi ng LGUs.
Dagdag pa rito, matatapos ngayong taon ang bisa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law o Republic Act 10963, na nagbigay-daan sa mas simpleng sistema ng pagbubuwis.
Ito rin ay nagbigay ng mas mataas na kita para sa pamahalaan na ginamit sa mga pangunahing proyekto at serbisyo, dagdag pa sa report.
Tiniyak ni Recto, na walang nasasakripisyo sa bahagi ng LGUs, at nananatiling bukas at transparent ang Department of Finance (DOF) sa pagsunod sa Mandanas-Garcia ruling na itinakda ng Korte Suprema.
Giit ng kalihim, walang nalalamangan dito, kasabay ng pagtitiyak na maayos ang kalkulasyon sa pamamahagi ng pondo para sa mga LGU.
Comments