LONGEST LINE PASTIL NA ISA SA MGA TAMPOK AT INABANGAN NGAYON TAON SA PAGDIRIWANG NG SHARIFF KABUNSUAN FESTIVAL, DINAGSA!
- Diane Hora
- Dec 19, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Ang 𝐋𝐎𝐍𝐆𝐄𝐒𝐓 𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐀𝐒𝐓𝐈𝐋 | 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐓𝐈𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 ang isa sa mga inaabangan ngayong taon sa pagdiriwan ng Shariff Kabunsuan Festival.
Hangad naman ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City na mapabilang sa Guinness Book of World Records sa susunod na taon.
Bukod sa Longest Line Pastil, pinaka abangan din ang GUINAKIT FLUVIAL PARADE 2024. Isang makulay na parada ng mga bangka sa Rio Grande de Mindanao, kung saan ang mga bangka ay pinalamutian ng makukulay na dekorasyon.
Ang Guinakit Fluvial Parade ang isa sa pinakatanyag na bahagi ng selebrasyon ng Shariff Kabunsuan Festival na nagpapakita ng makulay na kasaysayan ng rehiyon at kung paano naipalaganap ang relihiyong ISLAM sa panig na ito ng bansa.
Comments