top of page

Mag-asawa sa Alabel, Sarangani Province, arestado matapos masamsam sa kanilang sasakyan ang umano’y smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P99K

  • Teddy Borja
  • Apr 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa kulungan ang uwi ng mag-asawa na kinilala sa alyas na “Kulot”, 42 years old at misis nito na si alyas “Berta” residente ng Barangay Ilaya, Glan, Sarangani Province.


Inaresto ang dalawa ng otoridad ala 7:30 ng gabi, araw ng Martes, April 8 sa Brgy. Maribulan ng bayan.


Sa imbestigasyon ng otoridad, na-intercept ang sasakyan ng mag-asawa sa isang checkpoint operation.


Nang inspeksyunin ng otoridad ang sasakyan, ayon sa report, ay nadiskubre ang iba’t ibang assorted na sigarilyo sa likod ng kanilang multicab.


Ang sinasabing kontrabando ayon sa otoridad ay nagkakahalaga ng 99,796.60


Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act na nasa kustodiya ng otoridad.


Itinurn over naman sa Bureau of Customs sa General Santos City ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa wastong disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page