Mag-ina na galing Masbate City, arestado nang masamsam ng PDEA 7 ang 25KG na pinaniniwalaang shabu, na nagkakahalaga ng P170,000,000 matapos ang narcotic K9 inspection sa Pier 4, Cebu City
- Teddy Borja
- Jan 24
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang ina at anak at nasamsam ang 170 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang routine narcotic K9 inspection ng Philippine Drug Enforcement Unit 7 sa Pier 4, Cebu City.

Sakay ng Roro mula Masbate City ang 41-anyos na driver na si alyas “Edward” at ang kanyang 63 years old na Ina na si alyas “Edna” nang madiskubre sa kanilang sasakyan ang dalawampu’t limang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 25 kilos-

Nang isagawa ang routine narcotic K9 inspection ng PDEA 7 sa Pier 4, Cebu City, alas 7:30 ng umaga, araw ng Huwebes, January 23.

Ayon sa report, si alyas “Edward” at alyas “Edna” ay residente ng Ermita Cebu, at sinasabing itinatransport ang mga iligal na droga mula Maynila patungo sa iba’t ibang transit points, kabilang na ang Masbate bago makarating ng Cebu.
Ang nasabing iligal na droga ay may estimated average market value na 170 million pesos.
Nakuha rin sa kanila ang dalawang identification cards, kotse tatlong smartphones.
Agad nagsagawa ng on-site screening test ang mga chemists ng PDEA 7 Regional Office Laboratory mula sa mga narekober na ebidensiya at nagpositibo ito sa methamphetamine hydrochloride o shabu.
Isinumite na sa PDEA 7 laboratory ang mga ito para sa confirmatory test at proper disposition.
Kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng mga naarestong indibidwal na pansamantalang nasa custody ng PDEA 7.
Comments