Magsasaka, arestado sa Koronadal City, South Cotabato, matapos makuhanan ng hindi lisensiyadong baril
- LHBK
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang magsasaka, matapos makuhanan ng hindi lisensiyadong baril.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Randy”, 40-anyos.
Inaresto ito alas 9:30 ng gabi sa Purok Mabuhay, Barangay Mabini, Koronadal City, araw ng Linggo, October 19.
Sa report ng awtoridad, isinumbong ang suspek matapos nanggugulo sa lugar.
Nakuha mula sa posesyon nito ang isang .38 caliber revolver at limang bala.
Walang maipakitang legal na dokumento ang suspek.
Dinala na sa Koronadal City Police Station ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.



Comments