top of page

MAGSASAKA AT KILALANG LIDER NG MENUBU DULANGAN SA DATU HOFFER AMPATUAN, PATAY MATAPOS BARILIN HABANG NANGINGISDA SA ILOG MALAPIT SA PAG AARI NITONG SAKAHAN; AWAY SA LUPA DAHILAN UMANO NG KRIMEN

  • Teddy Borja
  • Dec 11, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasawi ang 44-anyos na si Baywan Angan, isang magsasak at kilalang lider ng Menubu Dulangan sa Datu Hoffer Ampatuan.


Nangingisda lamang ang biktima sa isang ilog malapit sa pag-aari nitong sakahan ng barilin ng mga salarin, ala 1:00 ng hapon, a-7 ng Disyembre sa Sitio Kukor, Brgy. Mantao, Datu Hoffer, Maguindanao Del Sur.


Araw ng Lunes, December 9 na naireport sa pulisya ang insidente nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang maybahay ng biktima na si Cita Manguda Angan.


Bukod sa hirap ang daan at walang signal sa lugar, ayon sa otoridad, isang MILF community ang lugar at naiulat na may mga presensiya ng BIFF/Dawla Islamiyah local terrorist group sa lugar.


Ayon sa Datu Hoffer Municipal Police, away sa lupa ang isa sa mga tinitingnan nilang anggulo sa krimen.


Tukoy na rin ng otoridad ang mga suspek sa pamamaril.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page