iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Alimudin Bayan, 34-anyos, residente ng Linantangan, Shariff Saydona Mustapha.

Kinilala ang dalawang suspek sa pamamaril sa alyas na “Mansakan” at alyas “Koki”, residente ng Barangay Lupok Shariff Aguak.
Ayon sa imbestigasyon ng otoridad-
Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang sundan ng dalawang suspek na sakay din ng motorsiklo at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima pagsapit sa pinangyarihan ng krimen, alas 2:00 ng hapon, araw ng Miyerkules.
Habang papatakas ang mga suspek, ayon sa otoridad, bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang bahay kaya naaresto ang mga ito ng pulisya.
Agad isinugod ang mga suspek sa pagamutan kung saan isa sa mga ito ang natuksalan na may tama ng bala sa katawan.
Hinala ng otoridad, tama ito ng baril nang magkaputukan ang mga suspek at ang biktima.
Walang narekober na bala sa crime scene.
Nasa kustodiya na ng Mamasapano Municipal Police ang isa sa mga suspek habang nasa hospital naman ang isa pa.
Comments