top of page

MAGSASAKA, SUGATAN MATAPOS UMANONG MANLABAN SA OTORIDAD HABANG NAKATAKAS NAMAN ANG KASAMA NITO SA BUY-BUST OPERATION NG OTORIDAD SA DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE

  • Teddy Borja
  • Dec 17, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Kalaboso ang magsasaka na kinilala sa pangalang Amir sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad a-16 ng Disyembre sa Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat.



Sugatan si Amir matapos manlaban sa mga pulis habang nakatakas naman si alyas “Ricky” na residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.



Nakuha sa naaresto ang limang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 144.96 grams at mayroong National Average Price na Php985,728.00



Narekober din ng otoridad ang isang cellphone, counterfeit boodle money at motorsiklo.


Dinala naman sa Cotabato Regional and Medical Center ang sugatang suspek para maipagamot habang ang mga ebidensiya na nakuha sa buy-bust ay dinala na sa tanggapan ng DOS PNP para sa documentation at proper disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page