top of page

Maguindanao del Norte Delegation, bumista sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, Malaysia

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH



ree

Pinangunahan ni Provincial Administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura, ang delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte kasama ang ilang opisyal ng lalawigan at ang Adat Betad Cultural Dance Ensemble.


Mainit silang tinanggap ni Her Excellency Maria Angela Ponce, Philippine Ambassador to Malaysia, sa isang courtesy visit na nagpatibay sa layunin ng delegasyon—ang pagpapalaganap ng kulturang Bangsamoro bilang sandigan ng diplomasya at pagkakaunawaan sa rehiyon.


Sa nasabing pulong, ipinahayag ng delegasyon ang taos-pusong pasasalamat sa suporta ng Embahada ng Pilipinas at ipinakilala ang mga performer na siyang buhay na sagisag ng pamanang Bangsamoro na umani ng papuri sa buong Kuala Lumpur.


Binigyang-diin ng pagpupulong ang kahalagahan ng kultura bilang tulay ng diplomasya, isang patunay na handang pangunahan ng Maguindanao del Norte ang pagpapakita ng mayamang tradisyon at sining ng Pilipinas sa buong ASEAN community.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page