Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura, patuloy sa pag-iikot sa mga komunidad upang maghatid ng tulong
- Diane Hora
- Oct 24
- 1 min read
iMINDSPH

Upang masigurong napapakinggan at alam ang pangangailangan ng taumbayan, patuloy ang pag-iikot ni Maguindanao Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura sa iba’t ibang bahagi ng distrito.
Isa sa mga pinuntahan kamakailan ng kongresista ay ang isang bahay ampunan sa Barangay Gang, Sultan Kudarat kung saan personal niyang sinuri ang kalagayan ng mga bata at ng mga tagapangalaga sa naturang pasilidad.
Kasama ng kanyang pagbisita ang pamamahagi ng tulong at mga pangunahing pangangailangan para sa mga batang nasa pangangalaga ng ampunan.
Ang kanyang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ay patunay ng kanyang paninindigan na walang sektor ang dapat maiwan kasabay ng pagsusulong ng adbokasiya na tatak Limo — serbisyo, puso at malasakit para sa lahat.



Comments