top of page

Mahigit 1,000 residente ng Ampatuan, MagSur, benepisyaryo sa patuloy na pag-iikot ng Medical Team hatid ang libreng serbisyong pagkalusugan, reading eye glasses, tsinelas at feeding program

  • Diane Hora
  • Jan 27
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang mabigyan ng sapat at dekalidad na serbisyong medikal ang bawat mamamayan ng Maguindanao del Sur at maipadama ang kahalagahan ng kalusugan sa bawat isa ang nilalayon ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa patuloy na pagtataguyod ng Medical, Dental at Outreach Program sa iba’t ibang bayan sa probinsya.



Tinungo muli ng medical team ang bayan ng Ampatuan hatid ang libreng medical consultation, kung saan 230 adult patients at 149 na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre.



Apatnapu’t dalawa ang nakapagbunot ng ngipin ng libre, pitumpo’t tatlo ang nakapagpatuli, isang daan at apatnaput lima ang nabigyan ng libreng reading eye glasses, apatnaraan ang nabigyan ng bagong tsinelas at limang daan ang benepisyaryo ng feeding program.



Isinagawa ang serbisyong pangkalusugan sa Barangay Salman ng bayan sa pangunguna ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.



Parehong serbisyo din ang hatid ng pamahalang panlalawigan sa bayan ng Paglat.



Ayon sa pamahalaang panlalawigan, patuloy tayong magtulungan para sa mas malusog at maunlad na kinabukasan!



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page