Mahigit 1,000 residente ng Bagoenged, Pagalungan, benepisyaryo sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng Maguindanao del Sur Provincial Government
- Diane Hora
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Isang daan at dalawampu’t tatlong adult patients at isang daan at apat na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre sa medical, dental at outreach program na patuloy na inihahatid ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa mismong mga barangay tulad ng barangay Bagoenged, Pagalungan.

Dalawampu’t pitong residente sa lugar ang nakapagpabunot ng ngipin, animnapu’t anim ang nakapagpatuli, isang daan at apatnapu’t lima ang nagkaroon ng salamin pambasa, dalawang daan ang may bagong tsinelas at limang daan ang benepisyaryo ng feeding program.

Isinagawa ang medical, dental at outreach program a-4 ng Pebrero.

Hangad ng halos araw-araw na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang maipadama sa mga residente ang kahalagahan ng pagtutok sa kalusugan lalo na sa mga liblib na barangay sa probinsya at ibaba ang serbisyo sa taumbayan.

Comments