top of page

Mahigit 1,000 residente ng Pagalungan, benepisyaryo muli sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng Maguindanao del Sur provincial Government

iMINDSPH



Patuloy ang pasasalamat ng mga residente ng walang patid na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng Maguindanao del Sur Provincial Government sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.



223 adult patients at 70 na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre at nabigyan ng libreng gamot.



42 residente naman ang nakapagpabunot ng ngipin at sampu ang nakapagpatuli.



145 residents ang nabigyan ng salamin pambasa.



300 residente ang nabigyan ng bagong tsinelas.



At 500 ang benepisyaryo ng feeding program.



Ang Medical Outreach program sa Poblacion Pagalungan na isinagawa a-19 ng Pebrero ang isa lamang sa halos lingguhang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan na itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan.


Kasama ng gobernador sa bayan ang ama nito na si MP Datu Ali Sangki ay maybahay nito, vice gubernatorial candidate Benzar Ampatuan, Board Member Datu Alonto Montawal Bangkulit, kasama si Datu Abdullah Sangki Mayor Alwali Mangudadatu at iba pang opisyal at personalidad sa lalawigan.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page