Mahigit 1,800 mag-aaral at guro ang magpapamalas ng kanilang galing sa 2025 Regional Press Conference sa Marawi City
- Diane Hora
- Apr 23
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal nang binuksan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE ang 2025 Regional Schools Press Conference, araw ng Martes, April 22, sa Sarimanok Stadium, Marawi City.

Ang delegado ay binubuo ng mahigit isang libo at walong daan na mula sa
11 schools division offices ng Bangsamoro Autonomous Region.

Ang conference ay magtatagal hanggang April 25.
Ipakikita sa RSPC ngayong taon ang individual at group contests sa both English at Filipino para sa elementary at secondary levels.
Kabilang sa events ang news writing, feature writing, editorial writing, sports writing, science and technology writing, photojournalism, editorial cartooning, at mobile journalism.
Sa mensahe na ipinaabot ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal na binasa ni Director for Basic Education Johnny Balawag, pinaalalahanan nito ang mga mag-aaral hinggil sa vital role ng responsible journalism.
Ang mananalo sa kompetisyon ang magiging kalahok ng BARMM sa National Schools Press Conference sa Ilocos Norte.
Comments