MAHIGIT 2,000 INDIBIDWAL, BENEPISYARYO NG PROJECT TABANG SA ISINAGAWANG MEDICAL MISSION SA MARANTAO, LANAO DEL SUR
- Diane Hora
- Dec 23, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Namahagi ng gamot at medical assistance ang Project TABANG sa mga residente ng Barangay Linuk Cawayan, Marantao, Lanao del Sur, araw ng Sabado, December 21.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Integrated Provincial Health Office ng Lanao del Sur sa ilalim ng Access to Health Opportunities, and Development o AHOD program.

2,245 residente ang nabigyan ng libreng gamot at basic healthcare kits, 1,925 ang sumailalim sa libreng konsultasyon, 300 ang nagpatuli at dalawampu ang nabigyan ng wheelchair.

Layunin ng programa na mabigyan ng gamit at medical supplies sa mga health at non-health institutions, gayundin sa mga indibidwal sa loob at labas ng BARMM.



Commentaires