MAHIGIT 200 SAKO NG TIG-25KG NG BIGAS, TINANGGAP NG IBA’T IBANG MARKADZ SA LALAWIGAN NG SULU
- Diane Hora
- Dec 23, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng iba’t ibang markadz sa Barangay ng Lunggang, Maimbung, Sulu ang limampung sako ng tig-25 kilos ng bigas araw ng Linggo, December 22.

Ito ay mula sa Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies and with Special Needs o HOMES Program ng Project TABANG.

Habang limampung sako ng tig-25 kilos ng bigas ang hatid din ng HOMES program sa iba’t ibang markadz sa Barangay naman ng Bualoh, Maimbung, Sulu.

Isang daan at dalawampung tig-25 kilos ng bigas at food packs ang tinanggap din ng mga indigent students ng Mindanao State University (MSU) - Sulu mula sa Alay sa Bangsamoro o ALAB Program.

Ang HOMES at ALAB programs sa ilalim ng Project TABANG ang isa sa mga flaship programs ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.


Opmerkingen