Mahigit 4,000 bigas at food packages, ipinamahagi ng Project TABANG sa mga residente ng Special Geographic Area, Lamitan City, Basilan, at Parang, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Tatlong libong sako ng tig-25 kilograms ng bigas at food packages ang ipinamahagi ng Project TABANG sa mga residente ng Pahamuddin, Special Geographic Areas kasabay sa selebrasyon ng Bangsamoro Foundation Day Service Caravan.

Isinagawa ito araw ng Martes, January 21.

Sa Lamitan City, Basilan-

Isang libo at dalawang daang sako ng tig-25 kilos ng bigas at food packages ang handog naman ng programa sa mga indigent families at indibidwal, kabilang na ang asatidz, ustadz, madrasahs, markadz, at orphanage centers sa kaparehong petsa.

Dalawang daang sako rin ng bigas at food packages ang kaloob ng Project TABANG sa mga bangsamoro learners, women, senior citizens, at indigent families sa BFD Service Caravan na pinangunahan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education sa Parang Maguindanao del Norte.


Comments