MAHIGIT 500,000 NA MGA KASO SA BUONG BANSA, NADESISYUNAN NA NG MGA LOWER COURTS PARA SA TAONG 2024 AYON SA SUPREME COURT
- Diane Hora
- Dec 12, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Laman ng mensahe ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na binasa ni Spokesperson Atty. Camille Ting sa Year End Meet the Press-
Na mahigit kalahating milyong kaso sa buong bansa ang nadesisyunan na ng mga lower courts para sa taong 2024. Ito ang ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.
Sinabi ng Punong Mahistrado na pumalo sa 43% ang boasting rate o katumbas na 508,197 ang naresolba ng mga Municipal Trial Court, Municipal Circuit Trial Court, at Regional Trial Court ayon sa report.
Sa Court of Tax Appeals, nasa 29% o 648 cases ang naresolba, 994 cases naman sa Sandiganbayan, 14,699 sa Court of Appeals habang 4,294 sa Korte Suprema.
Sinabi ng chief justice na ang bilang na ito ng mga kaso na nadesisyunan ng mga korte ay bahagi ng kanilang layunin na maibaba ang backlog ng mga kaso sa bansa.
Sa huli, binigyan-diin niya ang kahalagahan ng ugnayan ng Korte at media sa paghahatid ng mga totoo at makabuluhang impormasyon.
Comments