top of page

Mahigit 500 residente mula sa 11 barangay sa Cotabato City ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas mula sa tanggapan ni Member of Parliament Engr. Baintan Ampatuan katuwang ang BARMM Readi ng MILG

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Personal na namahagi ng tulong bigas sa mahigit 500 residente mula sa 11 barangay sa lungsod ng Cotabato si Member of Parliament Engr. Baintan Ampatuan, A-bente dos ng Oktubre, 2025.


Ginanap ang programa sa Extension Office ng mambabatas sa Rosary Heights 8, Cotabato City.


Katuwang ng opisyal ang BARMM Readi sa ilalim ng Ministry of Interior and Local Government na pinamumunuan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.


Nagpapasalamat si MP Baintan sa patuloy na suporta ng BARMM Government sa mga adhikain ng opisyal na makatulong sa mga taong nangangailangan.


Taos-puso namang nagpapasalamat ang mga residenteng nakabenepisyo sa program ng mambabatas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page