iMINDSPH

Tinanggap ng mga residente sa iba’t ibang barangay ng Datu Odin Sinsuat at Buldon, Maguindanoa del Norte ang mahigit kumulang tatlong daang monobloc chairs.

Mula ito sa Team Vice Governor Bai Ainee Sinsuat.

Layunin ng grupo ng bise gobernador na makatulong sa iba’t ibang pagtitipon sa komunidad at pagsuporta sa mga pampublikong serbisyo.

Tumulong sa distribusyon sina Buldon Aspiring Vice Mayor Munadatu Baylan, Datu Odin Sinsuat Liga ng mga Baranggay Pres. Bai Ivy Rose Sinsuat at Brgy. Capt. Bai Majah Sinsuat.
Ayon kay Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang aniya ipinapangako — ito ay ipinapakita aniya sa gawa!
Comments