top of page

MARAMING BAYAN SA BARMM, PATATAYUAN DIN NG OSPITAL AYON KAY MP HASHEMI DILANGALEN; KONSTRUKSYON NG OSPITAL SA SOUTH UBIAN, NORTHERN KABUNTALAN, MASIU AT DATU BLAH SINSUAT, MALAPIT NANG SIMULAN

  • Diane Hora
  • Dec 19, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Isa sa mga tagumpay na itinuturing ni MP Hashemi Dilangalen sa pinamumunuan nitong Committee on Health ay ang pagsasabatas sa Parliament Bill Nos. 99, 123, 139 at 257.



Sa ilaim ng BTA Bill No. 99, itatayo ang 50-bed level I general hospital sa South Ubian, Tawi-Tawi.


Sa ilalim naman ng BTA Bill No. 123, magtatayo ng Pura Municipal Hospital sa Barangay Pura, Datu Blah T. Sinsuat, Maguindanao del Norte na isang 25-bed capacity na pagamutan.


Ang Parliament Bill No. 139 ay ang pagkakaroon ng level 1 General Hospital sa Northern Kabuntalan.


Habang ang Parliament Bill No 257 ay ang konstruksyon ng Aleem Abdulazis S. Mimbantas Memorial Hospital sa Masiu, Lanao del Sur, na isang 50-bed general hospital.


Matapos aprubahan ng BTA Parliament at lagdaan ni Chief Minister Ahod Ebrahim at Speaker Pangalian Balindong ang mga panukalang batas a-12 ng Disyembre-


Susunod na ang konstruksyon ng mga pagamutan.


Ayon sa mambabatas, malaking tulong sa mga nabanggit na lugar ang itatayong mga pagamutan lalo na sa mga malalayo sa sentro ng bayan o syudad.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page