Masigla at matagumpay na Meet and Greet ng Serbisyong Tampil Tanu at BASerbisyo ang isinagawa araw ng Huwebes, May 1, 2025 kasama ang mga supporters ng grupo mula sa bayan ng Barira
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sama-samang nagkaisa ang mga residente mula sa bayan ng Barira, Maguindanao del Norte sa Meet and Greet, araw ng Huwebes, May 1 ng Team BASerbisyo at SerbisyongTampilTanu.

Pinangunahan ang okasyon nina Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, Governor Suharto "Teng" Mangudadatu, kasama ang mga kandidato ng grupo sa bayan.

Kasama rin sa programa ang Arangkada Partylist sa pamumuno nina 1st Nominee Former USEC TESDA Cong. John Bertiz III, 2nd Nominee Cong. Ustadh Eisa Javier, at 3rd Nominee Atty. Manuelito Luna.

Sa masayang pagtitipon, muling ipinamalas ng mga taga-Barira ang kanilang buong suporta at tiwala sa mga programa at serbisyong inihahatid ng #BASerbisyo at #SerbisyongTampilTanu.



Comments