MBHTE BARMM, NAGTALAGA NG 32 NON-TEACHING PERSONNEL SA SGA; 8, INAPPOINT NAMAN SA MAIN OFFICE
- Diane Hora
- Dec 27, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na nanumpa ang dalawampu’t tatlo na teaching personnel, siyam na teaching-related personnel at walong non-teaching personnel ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education BARMM.

Ito’y matapos lagdaan ni Education Minister Mohagher Iqbal ang kanilang appointment order a-bente ng Disyembre.

Tatlumpo’t dalawa sa mga newly appointed ay itinalaga sa Special Geographic area at walo naman sa main office ng MBHTE.
Binigyang diin ni Minister Iqbal ang kahalagahan ng competence sa kalidad ng edukasyon. Umaasa ang opisyal na magampanan ng mga bagong talagang personnel ang kanilang tungkulin.
Comments