MBHTE BARMM, pinasusumite ng BTA Parliament ng detailed report kaugnay sa performance ng education programs mula 2018-2024 at nanawagan na magbigay ng report sa estado ng educational facilities
- Diane Hora
- Feb 13
- 1 min read
iMINDSPH

Pinagtibay ng BTA Parliament ang dalawang resolusyon sa pagpapatuloy ng regular session, araw ng Huwebes.

Isa dito ang paghimok sa MBHTE na magsumite ng detailed report hinggil sa performance ng education program at initiatives mula school year 2018 hanggang 2024.

Sa isa pang pinagtibay na resolusyon, nanawagan naman sa MBHTE na magbigay ng report sa kasalukuyang estado ng educational facilities sa buong rehiyon, kabilang dito ang
textbook availability, school building conditions, classroom infrastructure, at ang adequacy ng teaching workforce sa BARMM.
Binigyang diin ng mga mambabatas na mahalaga ang ulat na ito sa pagbalangkas ng polisiya para tugunan ang gaps at hamon na kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa rehiyon.
Comments