top of page

PAGPILI SA MGA GURO NA MAGSISILBING ELECTORAL BOARD MEMBERS

iMINDSPH


Bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections at 1st BARMM Parliamentary Elections, nagsagawa ang Commission on Elections (COMELEC) BARMM ng Regional Coordinating Conference.


Layunin nito na matiyak ang effective planning, coordination, at implementation ng electoral activities at security operations sa mga lugar sa ilalim ng jurisdiction ng MBHTE.


Humingi ng klaripikasyon ang COMELEC-BARMM sa pamamagitan ng kanilang Provincial Election Supervisors hinggil sa pagtukoy sa most senior MBHTE officials bawat syudad, munisipyo, at probinsya sa BARMM.


Sinabi ng MBHTE na mayroon silang centralized Human Resource Management Division (HRMD)sa ilalim ng supervision ng Director ng Administrative at Finance Office.


Ang tanggapan aniya ang may custody ng Plantilla ng lahat ng personnel ng Ministry.


Tinanggap na ayon sa ministry ang District Supervisors bilang bahagi ng Organizational Structure at nananatili ang polisiya ng ministry sa non-issuance ng appointments sa mga Substitute Teachers.


Kaya ayon sa MBHTE, ang ministry lang ang may otoridad at kapasidad sa pag-certify ng most senior officials sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng kanilang jurisdiction.


Binigyang diin din ng ministry na ipinatutupad nila ang Administrative Support System para i-modernize para sa pagproseso ng relevant data at kabilang dito ang datos ng Public School Teachers qualified, available at handang magsilbi bilang Electoral Board Memers sa COMELEC para sa halalan sa Mayo at sa BARMM Parliamentary Elections


Nangako ang MBHTE na isusumite ang listahan ng mga Most Senior MBHTE Official sa bawat syudad, bayan at probinsya at ang listahan ng Public School Teachers who na qualified, available at handang magsilbi bilang Electoral Board Memers sa COMELEC para sa halalan sa Mayo at sa BARMM Parliamentary Elections alinsunod sa Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act of 2012.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page