MEDICAL, DENTAL SERVICES AT OUTREACH PROGRAM
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Isang daan at animnapung adult residents ng Kudal sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao del Sur ang nakapagpakonsulta ng libre, pitumpo naman ang mga bata.

Apatnapung residente ang nakapagpabunot ng ngipin, dalawampu’t pito ang nakapagpatuli.

Isang daan at apatnapu’t lima ang nabigyan ng reading eye glasses.

Dalawang daan ang nabigyan ng bagong tsinelas.

Habang limang daan ang nakabenepisyo sa feeding program.
Isinagawa ang Medical, Dental at Outreach program ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur, a-29 ng Enero.
Nanguna dito sina Congressman Thong Paglas, kasama ang board members, gayundin ng grupo ni Nor-Eimman Balayman-Dalaten.
Ang libreng serbisyong pangkalusugan ay patuloy na itinataguyod ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa buong lalawigan.
Layunin nito na mabigyan ng sapat at dekalidad na medical services ang bawat mamamayan ng Maguindanao del Sur, gayundin ang kahalagahan ng kalusugan.
コメント