Medical outreach program ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur, patuloy na inilalapit sa taumbayan ng probinsya
- Diane Hora
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtungo muli sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao del Sur ang medical team Agila ng pamahalaang panlalawigan hatid ang libreng serbisyong pangkalusugan.

Hatid ng provincial government ang Serbisyong Makabayan para sa taumbayan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Ito ay kinabibilangan ng
Libreng Konsultasyon Pangmedikal at Dental
Libreng Gamot
Libreng Salamin sa Mata
Libreng Tsinelas
Libreng Tuli
Libreng Bunot ng Ngipin
Feeding Program

Nagpapasalamat naman ang mga residente sa patuloy na tulong ng opisyal sa kanilang bayan.

Comments