top of page

MEDICAL TEAM NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGSUR, PATULOY SA PAG ARANGKADA, LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN HATID SA MGA RESIDENTE NG MAMASAPANO

  • Diane Hora
  • Dec 3, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa patuloy na pag arangkada ng Medical Team ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur-



Handog ang libreng serbisyong pagkalusugan sa mga residente ng Mamasapano partikular sa barangay ng Pimbalakan.



Ang pagtutok ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa programang pangkalusugan sa ilalim ng Gabay sa Mapagkalingang Serbisyong Medikal at Pangkalusugan Outreach Program ay nagsilbi ring inspirasyon.



Ang unang araw ng aktibidad ay inorganisa ng Bangsamoro Grand Coalition kung saan hatid ang libreng


- Konsultasyong medikal at dental

- Libreng gamot

- Libreng tuli

- Feeding program

- Libreng reading glasses

- at Libreng tsinelas



Mas pinaunlad ang programa kasunod ng bagong inobasyon na naglalapit ng serbisyong medikal sa taumbayan. Panawagan ng pamahalaang panlalawigan sa mga residente, sama-samang itaguyod ang isang mas malusog at mas matatag na komunidad para sa Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page