MGA BAGONG PORT INFRASTRUCTURE PROJECTS SA BARMM, MALAKI ANG MAGIGING IMPACT SA TURISMO AT EKONOMIYA NG REHIYON
- Diane Hora
- Dec 19, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Lumagda sa isang kasunduan si MOTC Minister Paisalin Tago at ang winning bidders na Amyu Construction, Dhayang Construction Firm, Prehti Construction Services, at Sicario Builders.

Ito ay kaugnay sa Bongao Port Rehabilitation at Improvement ng Passenger Terminal Building sa Tawi-Tawi at ang konstruksyon ng new Lake Ports sa Lanao Del Sur.

Ang mga proyektong nabanggit ay nagkakahalaga Php 88,333,369,57.
Ang Bongao Port project ay itatayo ng Amyu Construction, Dhayang Construction Firm na inaasahang magiging makabago na ang terminal at iba pang pasilidad sa lugar.
Ang mga infrastructure projects na ito ay nagkakahalaga Php 19,790,351.57 at 19,700,000.00.
Habang ang Prehti Construction Services at Sicario Builders ang gagawa ng dalawang bagong Lake Ports sa Lanao Del Sur na nagkakahalaga ng Php 48,842,998.00.
Ang mga pantalan ang magbibigay ng critical access sa mga komunidad na nakapalibot sa Lake Lanao na magpapa unlad din ng transportation ng mga produkto sa mas malaking pamilihan.
Ayon sa MOTC BARMM, malaki ang mga maitutulong ng mga proyekto na ito sa turismo, ekonomiya at magbibigay pa ng trabaho sa mga mamamayan sa rehiyon.
コメント