MGA GMSM SCHOLARS, TAOS PUSO ANG PASASALAMAT KAY GOVERNOR BAI MARIAM SANGKI MANGUDADATU MATAPOS PUMASA SA LET AT GANAP NANG LICENSED TEACHERS
- Diane Hora
- Dec 16, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Taos puso na pasasalamat ang ipinaabot ni Norsia Alid kay Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at sa Provincial Government ng Maguindanao del Sur matapos siyang pumasa sa Licensure Examination for Teachers o LET.

Ngayon, ganap nang licensed teacher si Norsia.
Isa si Norsia sa mga iskolar ng Gobyernong may Malasakit Sa Maguindanao o GMSM.
Ayon kay Norsia, isang malaking oportunidad ang makapagreview ng libre sa Falculan Twins Review Center handog ng pamahalaang panlalawigan.
Mainit na pagbati naman ang ipinaabot ng provincial government ng MagSur at ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa lahat ng mga LET passers lalo na sa mga GMSM scholars na ganap nang lisensiyadong mga guro.



Comments