iMINDSPH
Biktima ka rin ba ng fake News tungkol sa ACM? Narito ang mga kasagutan at paglilinaw mula sa COMELEC Task Force KKK sa Halalan.
FAKE NEWS #1: Ang ACM ay konektado sa internet buong araw ng botohan.
FACT CHECKED: Ang ACM ay standalone at hindi konektado sa internet habang botohan. Pagkatapos ng botohan at pag-imprenta ng unang set ng election returns, saka lamang maaarinf ikabit ang USB modem o ethernet cable upang mag-transmit. Malinaw na nakasaad ito sa ACM Operation Procedures (Annex B ng Resolution No. 11098 na may petsang 21 January 2025). Sa madaling sabi, mauuna ang printing ng election returns bago ang transmission mula sa ACM patungo sa mga server.
FAKE NEWS #2: Ang ACM ay gagamit ng public network sa pag-transmit ng election returns kaya hindi ito secure at madaling ma-hack.
FACT CHECKED: Ang pag-transmit ng election returns mula sa ACM patungo sa mga server ay gagamit ng Virtual Private Network o VPN connection na mayroongh kakayahang itago ang IP address ng makina.
• Secure encryption. Dahil sa VPN connection, encrypted at secure ang data na nilalaman ng election returns. Sinumang hindi awtorisadong indibidwal ay walang kakayahang basahin o i-decode ang data sa ilang segundo lamang habang pinapadala ito mula sa ACM patungo sa mga server.
• Secure data transfer. Dahil sa secure connection na binibigay ng VPN, lalakbay ang data na nakapaloob sa election returns sa isang encrypted na lagusan mula sa ACM patungo sa mga remote server. Ibig sabihin, habang transmission, protektado ang data mula sa mga hacker, malicious actor, at cybercriminal.
Sa madaling sabi, protektado ng VPN connection ang election returns laban sa masasamang elemento habang ito ay tina-transmit mula sa ACM patungo sa mga remote server.
FAKE NEWS #3: Hindi secure ang source code sa loob ng ACM at napakadaling manipulahin ito gamit ang "backdoor" sapagkat ito ay corrupted na.
FACT CHECKED: Walang source code na matatagpuan sa loob ng ACM. Ang nakapaloob sa ACM ay ang final machine-executable code na resulta ng compilation ng source code sa isang Trusted Build Environment.
• Source Code Review. Bago i-deploy ang final machine-executable code sa loob ng ACM, isinailalim muna ang source code sa international at local Source Code Review ng independent entities, kabilang ang international certifying bodies at local stakeholders, tulad ng mga tunay at lehitimong IT experts at mga kinatawan ng political parties at election watchdogs tulad ng PPCRV at NAMFREL.
• Trusted Build Environment. Pagkatapos ng masusi at matinding pagsusuri ng mga eksperto sa source code, dumaan ito sa trusted build process noong January at February 2025 kung saan siniguro ang integridad, seguridad, at kawastuhan ng Automated Election System (AES) na gagamitin sa 2025 National and Local Elections.
Ang buong prosesong ito ay isinagawa sa presensya ng mga accredited observer, mga kinatawan ng political party, civil society organizations, at independent technical experts na walang nakitang anomalya o pagdududa sa source code ng ACM at iba pang component ng AES.



Comments