MGA INDIBIDWAL NA UMANOY KASAMA NG MGA NAGTANGKANG PASUKIN ANG BAHAY NI ATTY. KITEM KADATUAN JR., SUMUKO SA OTORIDAD!
- Teddy Borja
- Dec 23, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Humarap sa MEDIA ngayong araw si Atty. Kitem Kadatuan Jr.

Kasama ng abugado si Barangay Kagawad Fahad Ampatuan ng Rosary Heights 6.

Iniharap sa media ang isa sa tatlong suspek na umano’y nagtangkang pasukin ang bahay ni Atty. Kadatuan.

Matatandaang, ibinahagi ng abugado sa kanyang social media account ang kuha mula sa kanilang CCTV nang tangkang pagpasok ng mga indibidwal sa loob ng kanilang bahay, Miyerkules ng gabi, December 18.
Mabuti na lamang aniya at nahagip ng camera at naagapan. Napag-aralan na rin daw ng mga suspek ang lugar dahil gumamit pa ang isa sa mga ito ng payong para matakpan ang mukha nito.
Makikita sa video na habang naglalakad ang supsek hawak-hawak nito ang payong. Sa pangatlong video naman ay makikita na may dalang baril ang suspek. Dinig din sa video na ilang beses itong sinigawan ng abugado na lumabas.
Pinaputukan umano ito ni Atty. Kadatuan Jr nang magkita sila ng suspek. Sa video makikita na agad tumakbo ang suspek sa likod ng kanilang bahay.
Sa ngayon, hindi pa matumbok ni Atty. Kadatuan ang motibo ng mga suspek sa tangkang pagpasok sa kanilang bahay.
Tumanggi muna ang otoridad na pangalanan ang mga suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Nagpapasalamat si Atty. Kadatuan sa maagap na pagresponde ng pulisya at pagtugon ng kanilang mga kaanak sa pangyayari.
Comments