top of page

Mga kandidato sa 4 bayan sa Maguindanao del Sur, Lumagda sa Peace Covenant at Pledge of Commitment

  • Diane Hora
  • Jan 23
  • 2 min read

iMINDSPH



Lumagda sa isang peace covenant at pledge of commitment ang mga kandidato sa lokal na posisyon sa apat na bayan sa Maguindanao del Sur sa isinagawang Political Candidates Forum nitong ika-22 ng Enero 2025.



Ang naturang aktibidad ay ginanap sa himpilan ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa Brgy. Zapakan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur.



Kabilang sa mga dumalo ang mga tatakbong mayor at vice mayor mula sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Mamasapano, Rajah Buayan, at Sultan sa Barongis sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.



Pinangunahan ang aktibidad ng 601st Infantry (Unifier) Brigade, 6th Infantry (Kampilan) Division, sa pangunguna ni Colonel Ricky P. Bunayog, Acting Brigade Commander, kasama si Lt. Col. Udgie C. Villan ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion at Lt. Col. Al Victor C. Burkley, Commander ng 6th Infantry (Red Skin) Battalion. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Police Regional Office-BAR at ng Commission on Elections (COMELEC) na si Atty. Allan Kadon, Maguindanao del Sur Provincial Election Supervisor.


Pumirma sa peace covenant at pledge of commitment ang mga sumusunod na kandidato:


Sa bayan ng Mamasapano:

• Mayoralty: Mr. Akmad A. Ampatuan Jr. at Mr. Alim N. Abdillah

• Vice Mayoralty: Mr. Akmad M. Ampatuan, Sr. at Mr. Fahad A. Kulod


Sa Rajah Buayan:

• Mayoralty: Mr. Yacob L. Ampatuan at kinatawan ni Ms. Bai Maruja A. Mastura na si Ms. Baby C. Ampatuan

• Vice Mayoralty: Mr. Abdul Rasid M. Mamo at Mr. Datu Orly D. Utto


Sa Sultan sa Barongis:

• Mayoralty: Mr. Sukarno L. Badal, Mr. Nasser G. Dalgan, Mr. Mando B. Mamalo, at kinatawan ni Mr. Allandatu M. Angas, Sr. na si Mr. Dabialan B. Utap

• Vice Mayoralty: Mr. Abdulbasit B. Utap, Mr. Bhong B. Mangandili, Mr. Yasser L. Diakal, at Mr. Prince Al-Jofner M. Angas, Sr.


Sa Shariff Saydona Mustapha:

• Mayoralty: Kinatawan ni Mr. Sajid Andre S. Ampatuan na si Mr. Omar Sissay


Hinikayat ni Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army, ang iba pang mga kandidato para sa 2025 National and Local Elections na makiisa sa mga susunod na peace covenant at political candidates forum na isasagawa ng COMELEC, katuwang ang kasundaluhan at kapulisan.


Ang inisyatibong ito ay naglalayong itaguyod ang isang mapayapa at ligtas na halalan ngayong 2025. Asahan ng publiko na maglulunsad pa ang Joint Task Force Central ng ganitong mga programa katuwang ang PNP at COMELEC upang tiyakin ang maayos na halalan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page